Patpating Talinghaga

mga bali-balikong landas sa mundo ng kawalan

lipat-bahay

Posted by taga-bundok on August 19, 2009

malugod na pagbati sa iyong pagdating sa munting kanlungan ng aking mga akda. hehehe… (pasensya na natawa ako). ‘etong friendster blog ko ay magsisilbing imbakan ng mga “links” ng ibat-ibang “website” ko. ito ang magsisilbing tulay, hagdan, kalsada o anupaman nais kong itawag para makarating kayo sa dalawang “blogs” ko, ang dalawang bago kong tahanan. kumbaga ‘eto ay ancestral house ko… hahaha. ayun, mahahagilap mo ang mga bago kong tagalog na akda sa PATPATING TALINGHAGA (wordpress.com) at patuloy pa rin naman akong nagsusulat sa wikang ingles matatagpuan mo yan sa PIXELS AND LETTERS (opera.com). ‘wag ka mag-alala, updated ang pa rin ‘to kasi makikita mo naman yung mga “feeds” sa sidebar kung may bago akong sinulat sa wordpress at opera. oh pano, hanggang sa muli. salamat sa dalaw.

Posted in babala't paala-ala | No Comments »

katinuan

Posted by taga-bundok on August 19, 2009

SolitaryoTumalilis ka nang takbo palayo sa kumpol ng tao. Animo’y may mga nilalang na ayaw makasalamuha. Hala, sige. Takbo pa nang takbo. Hanapin ang lungga na kanlungan nang iyong pagkatao. Hindi ka naman naiiba sa karamihan. Bagamat gula-gulanit ang iyong kasuotan at halos pandirihan ng kapwa mo tao, ano ba ang naglalaro sa iyong isipan? Bakit ayaw mo silang pumisan sa mundong iyong ginagalawan? Ni walang maglakas-luob na ika’y tulungan. Ika’y kinatatakutan. Dapat ba ikaw ay kaawaan sa iyong sinapit na kalagayan? Sino ang makakaunawa sa iyong nararamdaman kung ikaw mismo ay umiiwas sa mangilan-ngilang nais umagapay sa iyong kalungkutan. Magulo ang mundo na iyong kinasasangkutan, ngunit marahil may katahimikan sa mundong binuo para sa sarili lamang. Tuluyan ka na bang tinakasan nang katinuan o hirap lamang tanggapin ang katotohanan na malupit ang lipunan. Ikinukubli mo sa sulok ng iyong kaisipan ang kinasadlakan ng katotohanang nais mong itago na lamang. Kailan ka lalaya sa kulungan ng kahibangan at makawala sa rehas na ikaw lamang ang may tangan?

(Ang larawan pong nasa itaas ay may pahintulot upang magamit sa akdang ito. Mula sa lente ni G. Andy Garcia, maaari po ninyong makita ang iba pa n’yang kuha sa kanyang Flickr at Multiply Account. )

Posted in kathang-isip | Tagged: , , , | No Comments »

tiwakal

Posted by taga-bundok on August 17, 2009

Patuloy na umaalingaw-ngaw sa luob ng silid ang mga sigaw na walang patid n’yang naririnig. Umaaligid muli ang mga iniiwasang sandali sa kanyang buhay. Nagkukubli sa aninong nais n’yang pakawalan. “Ayoko na!”, isang sigaw mula sa kanyang paos nang lalamunan. “Tama na! Hindi ko na kaya!”, iyon na lamang ang namumutawi sa kanyang mga labi. Kumaripas s’ya nang takbo palayo sa kanyang silid. Ngunit saan s’ya dadalhin ng kanyang mga paa? Ano ba ang pilit n’yang tinatakasan? Maraming katanungan na sa kanyang sarili ay walang tiyak na kasagutan. Maging s’ya ay nagugulumihanan sa katotohanang walang saysay ang kanyang paghinga sa mundong kinalakhan. Tumigil siya panandali sa pagtakbo. Nanaghoy ng pagmamaka-awa. Pinuno ng mga luha ang kanyang mata. At sa sandaling yaon, napagtanto n’ya na may paraan pa upang wakasan ang magulong kinahinatnan ng kanyang katauhan. Bumalik siya sa madilim na silid bitbit ang isang pisi at ang silya na kanyang magiging daan para sa katahimikan. Handa na siyang humarap sa madilim na nakaraan at sa huling pagkakatao’y muling talikuran magpakailanman. Hindi man malinaw sa lahat ang mga kadahilanan, isang liham na lamang ang kanyang iniwan na nagsasaad ng pamamaalam.

Posted in kathang-isip | Tagged: , , | No Comments »

babala’t paala-ala

Posted by taga-bundok on August 12, 2009


hmnnn… panibagong format ng friendster blogs. bobo na ako sa wikang tagalog kaya kailangan kong mag-sulat ulit. hahaha… ewan. teka, daan ka dito sa  PIXELS AND LETTERS. mga tula, blogs at kung anu-anong sinulat ko sa wikang banyaga, pa-englisan lang ng konti. marami-rami na rin akong blogsite at social networks, karamihan abandonado naman. kapatid ko kasi si juan tamad eh. pagtyagan mo na lang muna. saka ko na ulit i-update to.

(Ang larawan pong nasa kaliwa ay mula sa lente ni G. Danilo Garcia Jacob Jr. - ako yun! hehehe… Maaari n’yo pong silipin ang aking Flickr at Multiply Account, kahit ‘di pa updated.)

Posted in babala't paala-ala | Tagged: | No Comments »

Misinterpretations. Misunderstandings.

Posted by taga-bundok on June 15, 2009

I am the type of person who would analyze the thought of a phrase rather than take it literally. And at times every word that you would say would mean a lot for me. When i was in my younger years i tend to react abruptly without carefully thinking what the message really meant. In those times i end up in an argument. Whether i was right or not, i would insist the impact of emotions it had on me. Eventually, i realize how to be mature in understanding what people want to tell me. From being hot headed i became patient. I always look at the brighter side. And with this way of thinking, i thought when i say something they would also see the positive side of it. I expected much of them and yet i had little understanding that once i was someone who would misinterpret and misunderstand. Right now i am in a situation whereas i said a few things on a positive note but the result was destructive to a relationship. I just realized that it isn’t enough how i understand the value of words but also how i deliver what i want to say. I have hurted people unintentionally, and i guess i never gave a thought of how would they react negatively. So here comes misunderstanding and misinterpretation. Now i would raise a question, how much do i know of someone’s emotions, how much do i know of that person that i thought she would understand.

Posted in Posts in English, loop of existence. | No Comments »

Mind vs. Heart

Posted by taga-bundok on June 2, 2009

THE MIND DICTATES… THE HEART WHISPERS… When it comes to LOVE we are often torn apart between what we think is right and what we feel is better. Most of the time we came up with decisions based only with our heart… Whatever the consequences are at least we gave chance to where our emotions will lead us. On the other hand, we decide over the mind’s constrict perspective… What we think might be wrong could be right or what could be right might be wrong. All according to the mind’s judgement or the heart’s conviction… In the end, the mind dictates what the heart whispers.

Posted in My heart whispers. My mind talks., Posts in English | No Comments »